Sabado, Setyembre 26, 2015

FLIPTOP



 


Para sa marami, sa mga kabataan ay masama ang FlipTop dahil sa kaakibat nitong maselang lenggwahe. Ngunit, kung titingnan natin nang mabuti, malaking tulong ang nagagawa ng FlipTop para sa tao, sa bansa, at lalong-lalo na sa wika.

Isa sa mga ito ay ang pinakapamilyar at alam nang maraming nakasasaksi nito – kasiyahan. Dahil sa malayang paggamit ng mga salita, tono, tiyempo, at tugma ay maraming nawiwili sa pakikinig dito. Ito rin ang dahilan kung bakit nakaabot ng higit isang daang milyong views ang mga video nito sa Youtube. Bukod dito ay nakikilala ang mga  Pinoy dahil sa kanilang inimbentong  modernong balagtasan kung saan isinasagawa nila ang FlipTop at kahit ang ibang tao ay nagagawa nilang makumbinse na angPilipinas ay may ibubuga sa larangang ganito. 

          Kung titingnan naman natin ang mabuting epekto nito sa wikang Filipino, maraming maiisip at makukuha ang mga tao dito. Dahil sa makukulay na mga salitang nagagamit sa FlipTop battles ay nagkakaroon ng kaalaman ang  madlang nakakapanood ng FlipTop ukol sa iba’t-ibang mga salita sa wikang Filipino na kanilang hindi pa nalalaman o hindi  alam ang ibig sabihin. Sa kabilangbanda, napahahalagahan ang wikang Filipino dahil nahuhukay nito at naipamamalas sa iba’tibang-tao ang tunay na kulay ng lenggwahe ng ating minamahal na bansa. 


          Kung ang pagiging isang modernong balagtasan naman ng FlipTop ang pag-uusapan, matatamo ang sinasabi ng ito kung tanging pagbigkas at tugma ang pagtatalo lamang ang pag babatayan. Dahil iisang paksa ang pinag-uusapan ng dalawang magkalaho na sinasamahan lamang ng malikhaing pagkokone-konekta ng mga detalye ay napabubulaklakan nito ang pakikipagtunggali. Dahil din sa simple at mautak napakikipag-usap ay madaling naging sika sa masang FlipTop, bata man o matanda.


Dahil sa mga dahilang nabanggit saitaas ay walang kaduda-duda ng ang FlipTop ay isang malaking inobasyon sa mgatao, sa bansang Pilipinas at sa wikang Filipino. Sa patuloy na paggamit sa malikhain at mabulaklak na paraan ng wika ay mas lalong napahahalagahan ang wikang Pilipino. Nakikilala rin ang bansang Pilipinas at ang talent ng mga Pilipino sa larangang bokal at makulay na pakikipagtalastasan dahil sa pinag-ugatanng kasikatan ng FlipTop – YouTube. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento